BARANGAY CAYBIGA 166 ZONE 15

                                    Ang Barangay Caybiga 166 na pinamumunuan ni Kap. Onofre "OBET" Delos Santos ay isang simula ng pagbabago para sa bagong pamamalakad ng Caybiga, Caloocan City. Ang hangad lamang ng ating mahal na kapitan ay maging maayos at maging matiwasay ang ating lugar alang-alang sa ating kapakanan, hindi lamang ng ating pamilya kundi pati narin ang buong nasasakupan ng kanyang pamunuan.

                              Subalit, ito ay hindi madaling makakamtan ng walang tulong niyo mahal kong kababayan. Kaylangan ng isang namumuno ang suporta ng kanyang nasasakupan upang matupad ang pangarap na gusto niyang mangyari sa ating lugar.

                              Kaya sana'y suportahan natin ang ating mahal na Kapitan Obet at tayo'y magtulungan para sa ating bayan. Ito ay lubos naming ipagpapasalamat sa inyo at walang sawang tutulong sa abot ng aming makakaya.

                              Hangad namin ang inyong kooperasyon. Maraming salamat sa pagtitiwala at umasa kayong gagawin namin ang lahat para sa ikauunlad ng ating bayan.

                              Maraming Salamat sa inyo at Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

 

                                                                                                                          BARANGAY CAYBIGA STAFF

 

 
Make a Free Website with Yola.